1st Kalinga PMFC, nagsagawa ng Child Protection at Anti-Drug Education Symposium sa Kalinga

0
157

Nagsagawa ng isang makabuluhang symposium ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (KPMFC) hinggil sa Child Protection Policy at National Drug Education Program sa Ipil Integrated School sa Centro, Ipil, Tabuk City, Kalinga noong Marso 13, 2026. Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Dominic L. Rosario, Acting Force Commander ng yunit.

Dinaluhan ang symposium ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 9 kasama ang kanilang mga guro. Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa kahalagahan ng child protection, kanilang mga karapatan at kaligtasan, pati na rin ang mga panganib at masasamang epekto ng ilegal na droga.

Sa isinagawang talakayan, nagbahagi ang mga pulis ng mahahalagang impormasyon at gabay upang matulungan ang mga kabataan na maging mas maingat at responsable sa kanilang mga desisyon. Namahagi rin ang mga operatiba ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials upang higit pang mapagtibay ang mga aral na kanilang natutunan sa naturang aktibidad.

Bahagi ang inisyatibang ito ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na itaguyod ang kaligtasan ng mga bata at palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na nakikipagtulungan ang PNP sa mga paaralan at komunidad upang mahubog ang kabataan at maisulong ang isang ligtas at drug-free na pamayanan.

Source: Kalinga PPO Uno PMFC

Leave a Reply