Nagsagawa ng hauling ng family food packs at supplies ang mga tauhan ng 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Lagawe, Ifugao noong ika-20 at 21 ng Nobyembre, 2024.
Ayon kay Police Colonel Marvin Displat, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Ifugao PMFC ang pagha-hauling ng family food packs at supplies, sa pakikipagtulungan ng mga opisina ng Social Welfare and Development (SWAD) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRM).
Ang mga food packs na naglalaman ng bigas, de-lata, instant noodles, at iba pang pagkain, pati na rin tubig, damit, at hygiene kits, ay ipinamahagi upang masigurong matutugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad at masigurong walang pamilyang magugutom at magkakaroon ng sapat na pangangailangan sa kanilang muling pagbangon.
Sa pamumuno ni PCol Diplat, binigyang diin ang kahalagahan ng mabilis at maagap na pagtugon sa panahon ng sakuna upang masigurong ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mga residente, habang ang mga tauhan ng SWAD at PDRRM ay nagbigay ng karagdagang suporta sa pamamagitan ng pag-aayos ng distribusyon ng tulong at pagsiguro na ang lahat ng apektadong pamilya ay makatanggap ng sapat na ayuda.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng hauling operation na ito ay patunay ng mahusay na koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad sa panahon ng kalamidad, at ang kanilang dedikasyon at malasakit ay isang halimbawa ng tunay na serbisyong publiko para sa kapakanan ng bawat isa sa Ifugao.