Jaro, Iloilo City – Naglunsad ng Cooking Competition ang mga tauhan ng Iloilo City Police Station 3 sa kauna-unahang pagkakataon sa MH Del Pillar Covered Gym, Jaro, Iloilo City nito lamang ika-29 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Iloilo City Police Station 3 sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Eduardo S Siacon, Station Commander.
Ang nasabing kumpetisyon ay dinaluhan ng Iloilo City Police Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Regina O Roquim, Chief, City Community Affairs and Development Unit, mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Unit 6, Barangay Officials at sa pakikipagtulungan sa LGU at Stakeholders.
Naging pangunahing kalahok sa programa ay ang ating mga Drug Surrenderee na ngayon ay patuloy sa pagbabagong buhay, kabilang din sa mga nakilahok ang mga miyembro ng BPATs, Community Investigative Support, Philippine Guardians Brotherhood Inc. at iba pang mga Barangay na mula sa Distrito ng Jaro.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “Pasundayag sang nakalain-lain nga luto sang isa ka Ilonggo” na naglalayong maipakita ng mga kalahok ang kanilang angking galing at talento sa pagluluto ng ilonggo cuisines.
Naghandog din ng mga awit ang banda ng Jaro PNP upang aliwin ang mga kalahok habang sila ay nagluluto ng kanilang espesyal na pagkaing ilonggo.
Ang Iloilo City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng ganitong programa upang lubos na maipakita ang malasakit sa kapwa, at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan tungo sa kaunlaran.