Eastern Samar – Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Dolores, Eastern Samar nito lamang umaga ng Martes, Mayo 9, 2023.
Ang aktibidad ay tinaguriang Project KLEAN (Kalikasan Linisan Estehanon Aksyon Na) “Basura para sa Bigas” na pinangunahan ni Hon. Rodrigo “Onoy” Rivera, Municipal Mayor kasama ang Sangguniang Bayan Member, LGUs, Staff ng Dolores National High School at Dolores Central Elementary, Dolores Rescue, Dolores RHU, Dolores Rescue Unit at DENR.
Kabilang pa sa nakilahok ang PCAD at Preventive Team ng 1st Eastern Samar PMFC sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Seth Mark Alob, Force Commander, Dolores MPS, 52IB, PA, Dolores FS, at iba pang Force Multipliers ng Dolores, Eastern Samar.
Layunin ng aktibidad na panatilihing maayos, malinis ang yamang dagat at bigyan ng kamalayan ang mamamayan sa pag-aalaga sa karagatan para sa patuloy na pag-unlad.