Laguna – Naaresto ang 19 na indibidwal sa ikinasang isang araw na anti-illegal gambling operation sa buong lalawigan ng Laguna bandang 6:00 ng umaga nito lamang Pebrero 21-22, 2023.
Ang naturang 1-day operation ay sa ilalim ng utos ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office.
Nakapagtala ng limang operasyon ang Biñan PNP; dalawang operasyon sa Bay PNP; dalawang operasyon sa Sta. Rosa City PNP, dalawang operasyon naman mula sa Rizal Municipal Police Station at tig-iisang operasyon ng Provincial Intelligence Unit-Laguna, Famy MPS, Calamba CPS at Kalayaan MPS .
Nakumpiska sa mga arestadong suspek ang bet money na halagang Php13,755 at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.
“Sa mga kababayan po natin na patuloy pa ring tinatangkilik ang mga ilegal na sugal kung maaari po iwasan na natin ito dahil hindi po ito nakakatulong sa ating pamilya bagkus ay nakakasama pa”, ani PCol Silvio.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A