Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang wanted person sa kasong 2 Counts of Destructive Arson matapos isilbi ng pulisya ang nakabinbin na arrest warrant sa Barangay Dado, Alamada, Cotabato nito lamang Biyernes, Hunyo 14, 2024.
Sa ulat ng Alamada Municipal Police Station, nadakip ang nasabing indibidwal dakong 11:00 ng umaga sa pinagsanib pwersa ng Alamada Municipal Police Station at CIDG North Cotabato.
Kinilala ang suspek na si alyas “Pama”, 19, binata, at residente ng nasabing lugar.
Inaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Destructive Arson na may rekomendang piyansa na aabot sa Php240,000.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng positibong hakbang sa kampanya kontra kriminalidad ng kasalukuyang administrasyon para sa seguridad ng mga mamamayan at kapayapaan ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolman Kherwin Jay Medelin