Nasa kabuuang 189 na indibidwal ang naaresto sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO ng Police Regional Office 10 (PRO10) mula Marso 20-23, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO 10, siyam (9) na Search Warrant Operation ang isinagawa na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 31.83 gramo ng shabu at 40 gramo ng marijuana na may Standard Drug Price (SDP) na Php221,244.
Bukod dito, limang operasyon din ang isinagawa sa ilalim ng Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nagresulta sa pagkakakumpiska ng walong (8) armas.
Samantala, 38 na buy-bust operations laban sa ilegal na droga ang isinagawa na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 455.268 gramo ng shabu na may estimated SDP na Php3,095,822.4 at isang baril.
Ang iba pang operasyon tulad ng Bakal Sita, police response initiatives, at mga checkpoints ay nagresulta naman sa pagkakaaresto ng 19 na indibidwal at pagkakakumpiska ng 23.325 gramo ng shabu na may halaga na Php158,610.00.
Narekober din ang 27 na baril at isang pampasabog.
Isinagawa rin ng PRO 10 ang mga operasyon laban sa ilegal na sugal, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 42 na indibidwal at pagkakakumpiska ng Php6,154 na taya.
Samantalang sa kampanya laban sa mga wanted persons, 76 na indibidwal ang nahuli, kabilang ang 11 Most Wanted Persons at 65 iba pang wanted persons.
“We remain committed to strengthening our efforts against all forms of criminal activity to safeguard the people of Northern Mindanao. I commend our police personnel for their relentless efforts, and I urge the public to continue supporting us in our mission to maintain peace and order,” pahayag ni RD De Guzman.