General Santos City – Bumisita ang mga PNP Generals dahil sa gaganaping “Review and Validation of the PNP Annual Operations Plan and Budget Estimates (AOPBE) FY 2024” sa Office of the City Mayor, General Santos City nito lamang ika-28 ng Oktubre 2022.
Sa pangunguna ni Police Major General Arthur Bisnar, Acting Chief of the Directorial Staff, at iba pang mga Heneral ang pagbisita kay Lorelie Geronimo-Pacquiao upang mapag-usapan ang “Review and Validation of the PNP Annual Operations Plan and Budget Estimates (AOPBE) FY 2024”.
Dumalo din si Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12 at si Police Colonel Alexis Yap, Acting City Director ng General Santos City Police Office.
Sa kanilang pagpupulong ay ipinahayag ni Mayor Pacquiao na ang lokal na pamahalaan ng General Santos ay laging nakahandang makipag-ugnayan sa PNP.
Kanila ring napag-usapan ang pagdagdag ng Police Station sa lungsod pati na rin ang paglalaan ng patrol vehicle para rito.
Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga tauhan mula sa PNP nang inanunsyo ng alkalde na sa darating na Disyembre ay magbibigay ang lokal na pamahalaan ng halagang Php5,000 para sa mga pulis sa lungsod bilang kanilang incentive.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo