Arestado ng Sarangani PNP ang isang 18 anyos na lalaki sa kasong carnapping sa Barangay Lun Padidu, Malapatan, Sarangani nito lamang Pebrero 20, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang naarestong suspek na si alyas “King”, binata, at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto ng mga tauhan ng Highway Patrol Group 12 Gensan,1201st Regional Mobile Force Battalion, General Santos City Police Office at GenSan City Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong carnapping.
Bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lalong pagtibayin ang programang Whole-of-the-Nation Approach, ay hinikayat ni PBGen Macaraeg ang mga wanted person na sumuko na ng mapayapa at harapin ang kanilang pananagutan sa batas.
Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales