Tuesday, May 6, 2025

176 Pulis mula Cagayan Valley, ipapadala sa BARMM bilang Special Electoral Boards

Isinagawa ang send-off ceremony sa 176 na kapulisan mula sa Police Regional Office 2 na ipapadala patungong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang magsilbing Special Electoral Boards sa darating na halalan na ginanap sa PRO 2 Grandstand Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-3 ng Mayo, 2023.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng inisyatiba ng Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa mga lugar na may potensyal sa election-related incidents, partikular sa rehiyon ng BARMM.

Ayon kay PRO2 Regional Director, Police Brigadier General Antonio P. Marallag, Jr., ang mga pulis na ipapadala ay sumailalim sa espesyal na pagsasanay sa ilalim ng Commission on Elections (COMELEC) upang epektibong maisakatuparan ang kanilang tungkulin sa halalan, lalo na sa mga lugar na may kinakaharap na hamon sa seguridad.

Dagdag pa niya, umaasa ang PRO2 na sa pamamagitan ng kanilang mga tauhan ay hindi lamang maipatutupad ang ligtas na halalan kundi maipapamalas din ang dedikasyon ng pambansang pulisya sa pagbabalik ng tiwala ng mamamayan.

Ang mga pulis ay mananatili sa BARMM hanggang Mayo 25, 2025, upang tiyakin ang seguridad bago, habang isinasagawa, at matapos ang eleksyon. Hinahangad ng ating mga kapulisan ang maayos at ligtas na halalan ngayong taon.

Source: PRO 2

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles