Northern Samar – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga kapulisan ng Northern Samar sa Brgy. Cade-an Gamay, Northern Samar noong Martes ng umaga, Mayo 31, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Alfredo Tadefa, Acting Provincial Director ng Northern Samar Police Provincial Office ang aktibidad katuwang ang Gamay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Paterno Naga Jr, OIC, LGU Gamay, 201B Philippine Army, Bureau of Fire and Protection Gamay, KKDAT Gamay Chapter at iba pang pribadong indibidwal ay nagpaabot ng tulong sa pamamagitan ng community outreach program sa mga mamamayan ng Brgy. Cade-an.
Nagsimula ang aktibidad sa isang maikling programa kung saan ibinahagi ng iba’t ibang kalahok na ahensya ang kanilang mensahe at suporta sa adbokasiya ng pamahalaan.
Nasa 163 kabuuang kabahayan ng nasabing barangay ang nakatanggap ng kilo-kilong bigas, hygiene kits at used clothing na donasyon ng iba’t ibang ahensya ng Gobyerno.
Hmigit-kumulang 98 na bata naman ang nakanggap ng masarap na spaghetti, biskwit/cupcake at juice na personal na inihanda ng mga tauhan ng PNP.
Nakadagdag sa kasiyahan sa aktibidad ang isang mascot mula sa BFP Gamay, isang serye ng mga larong puno ng saya ang isinagawa at ang mga tsokolate, kendi at iba pa ang naging premyo sa bawat nanalo.
Ang layunin ng programa ay maihatid ang tulong at serbisyo publiko ng Northern Samar PNP para sa lahat ng nangangailangan ng tulong sa kanilang nasasakupan.
###