Boluntaryong isinuko ang 16 na Unserviceable Firearms ng isang operation manager sa Regional Civil Security Unit BAR nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Colonel Nachor B Baucas, Regional Chief ng RCSU BAR, ang lalaking nagboluntaryong nagsuko na si alyas “Eduardo”, na operation manager ng Asiatic Security Agency.
Ayon kay PCol Baucas, kabilang sa mga isinukong unserviceable firearms ay isang shotgun at 15 revolver.
Ang matagumpay na pagsuko ay kaugnay sa pinaigting na kampanya at patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng batas tungo sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na bansa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya