Pinarangalan ng National Police Commission (NAPOLCOM)–CALABARZON noong ika-30 ng Abril ang 16 na pulis na buong tapang na hinarap ang panganib sa pagsisilbi ng Warrant of Arrest laban sa isang kilalang Most Wanted Person sa Calamba City, Laguna noong Marso 22, 2025 sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.
Maalalang dead-on-the-spot ang nanlabang suspek na kinilalang si Mark Lee Almendral, 30 taong gulang, na nahaharap sa dalawang kaso ng Murder at dalawang kaso ng Attempted Murder.
Inaresto rin ng mga pulis ang live-in-partner ng nasawing suspek na si Rowena Manila, 33 anyos, matapos harangin umano ang mga pulis na aaresto. Nahaharap siya sa kasong Direct Assault at Obstruction of Justice.

Samantala, tumanggap ng pagkilala si Police Lieutenant Colonel Victor Sobrepeña, Hepe ng Calamba City Police Station, kasama ang labinlimang kasamahan niyang pulis mula kina NAPOLCOM Regional Director Atty. Owen De Luna at NAPOLCOM-Laguna Provincial Officer Atty. Joicel Sopeña sa idinaos na seremonya ng pagkilala sa Sangguniang Panlungsod Function Hall sa Calamba City, Laguna.
Photo Courtesy by Calamba Component City Police Station