Arestado ang isang 16 anyos na wanted person na may kasong Qualified Rape sa operasyon ng Iligan City PNP sa Don Pedro Celdran Ave. Tubod, Iligan City nito lamang ika-18 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Captain Michael Angelo C Roldan, Station Commander ng Iligan City Police Station 4, ang naarestong suspek na si alyas “Boboy”, 16 anyos at residente ng Purok 9, Barangay Tambacan, Iligan City.
Ayon kay PCpt Roldan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape na walang piyansang inirekomenda.
Sa pamamagitan ng walang humpay na operasyon ng Iligan City PNP mas papaigtingin pa ang pagganap sa tungkulin upang mapanagot ang mga tiwaling indibidwal na may pananagutan sa batas at mabigyan ng hustisya ang biktima.