Boluntaryong sumuko at nanumpa ang 15 Street Level Individual (SLI) mula sa iba’t ibang barangay ng Bauko sa Mountain Province noong Oktubre 22, 2021.
Dito ay nagsagawa sila ng oath-taking ceremony na ginanap sa LGU La Liga Building, Abatan, Bauko na may temang “Sagip Kapatid, Kasangga sa Pagbabago Program” na personal na pinangunahan ni PCol Ruben Andiso, Provincial Director, Mt. Province Police Provincial Office (MPPPO) at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa DILG, PDEA-Mt. Province, MADAC, BADAC at mga kamag-anak ng mga surrenderee.
Samantala, pinangasiwaan naman ni Mayor Abraham B. Akilit ng Bauko, Mt. Province ang “Oath of Commitment” ng mga sumuko upang tuluyan nilang talikuran ang paggamit ng iligal na droga at bilang pagsuporta nila sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ang pagsuko ng mga naturang SLI ay isa sa bunga ng patuloy at lalong pinaigting na kampanya ng mga kapulisan ng Mt. Province laban sa iligal na droga.
#####
Article by Police Corporal Melody L Pineda