Labing-lima (15) na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Panlipunan (Kadamay) at dalawa (2) pang miyembro ng CTGs ang nagbalik-loob sa Bulacan at Nueva Ecija noong ika-9 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.
Ayon kay PBGen Valeriano T De Leon, Regional Director, PRO 3, pinangunahan ng 1st MC, RMFB3, San Jose Del Monte CPS, 1st at 2nd PMFC Bulacan PPO, 24th SAC PNP-SAF, PIU Bulacan, at San Rafael MPS ang pagbabalik-loob ng 15 white area personalities ng KADAMAY na nagsasagawa ng operasyon sa probinsya ng Bulacan.
Samantala, dalawang (2) dating miyembro ng CTGs ang nagbalik-loob sa Nueva Ecija. Kinilala ang dalawang rebelde na sina “Ka Carlos/Ka Calot/Ka Oscar”, 47 taong gulang, may asawa, magsasaka at si “Ka Victor”, 39 taong gulang, may asawa, magsasaka, sa ilalim ng Josefhino Corpuz Command. Ang kanilang pagbabalik-loob ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd PMFC, NEPPO San Jose CPS, Talavera MPS, Guimba MPS, PIU- NEPPO, RIU3, RID-PRO3, 303rd MC, RMFB3 at 84IB 7ID PA.
#####
Article By Patrolwoman Maria Elena S Delos Santos