Ipinadala ang 146 PNP personnel mula sa Regional Mobile Force Battalion14-A ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bilang augmentation force para sa nalalapit na Halalan 2025 sa idinaos na Send-Off Ceremony noong Marso 31, 2025 sa Lanao del Sur Police Provincial Office Multi-Purpose Building, Camp Bagong Amai Pakpak, Marawi City, Lanao del Sur.
Ito ay sa pangunguna ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur PPO.
Ang mga kapulisan na ito ay itinalaga upang magbigay ng karagdagang seguridad sa mga election hotspots at red category areas, alinsunod sa mandato ng PNP na tiyakin ang ligtas, tapat, at mapayapang eleksyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Police Colonel Daculan ang mahalagang papel ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan. Hinimok nito na maging matapat sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas at tagapagtanggol ng mamamayan.
Ang nasabing mga personnel ay pormal na tinanggap ng 13 na hepe ng iba’t ibang Municipal Police Stations sa Lanao del Sur.
Dumalo rin sa aktibidad ang Provincial Command Group at Staff bilang suporta sa naturang deployment na may iisang layunin na isang maayos at tagumpay na halalan sa rehiyon.
Panulat ni Pat Ma.Señora Agbuya