Pampanga – Boluntaryong nagbalik-loob ang 145 na tagasuporta ng komunistang teroristang grupo sa Police Regional Office 3, Camp Captain Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga nito lamang Sabado, ika-1 ng Abril 2023.
Pinamunuan ni Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr, Regional Director ng Police Regional Office 3 ang naturang seremonya.
Boluntaryong isinuko ng mga dating rebelde ang mga armas at mga libro na ginagamit ng mga makakaliwang grupo laban sa gobyerno.
Bilang patunay sa pagbabalik-loob sa ating pamahalaan, lumagda at nanumpa ng katapatan ang naturang 145 na tagasuporta.
Samantala, nagbigay ng libreng bigas ang Central Luon PNP para sa mga nagbalik-loob nating kababayan habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Saad ni PBGen Hidalgo, patuloy sa paghihikayat ang Police Regional Office 3 sa ating mga mamamayan na magbalik-loob sa ating gobyerno upang maging katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan sa Gitnang Luzon.
Source: Police Regional Office 3
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3