Romblon – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office sa Sitio San Pedro, Brgy. Ginablan, Romblon, Romblon noong Ika-26 ng Setyembre 2023.

Ayon kay Police Colonel Jonathan Paguio, Provincial Director ng Romblon PPO, umabot sa 1,300 punla ng Mangrove ang naitanim ng grupo sa nasabing lugar kasama ang mga tauhan ng PRBU 4B at Romblon PNP.

Layunin ng aktibidad na bigyang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya at komunidad na protektahan at pagyamanin ang likas na yamang dagat dahil ang mga bakawan ang siyang poprotekta sa mga baybayin at komunidad mula sa malakas na alon.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus