Tuesday, October 22, 2024

125 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas ginunita sa Kampo Crame

Quezon City – Sa bawat sulok ng ating bansa, ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng mga parada, programa, at iba’t ibang aktibidad, kaya naman bilang pakikibahagi ay isinagawa ang seremonya sa paggunita ng Ika-125 taong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Punong Tanggapan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Kampo Heneral Rafael T Crame, Quezon City nitong Hunyo 12, 2023.

Bilang bahagi ng tradisyon, isinagawa ang pagtaas at sabayang pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, isinagawa rin ang sabayang pagwawagayway ng watawat, pagpapalipad ng mga puting kalapati, na pinangunahan naman ni Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, TADCA, kasama ang ilan sa mga matataas na opisyal.

Isa sa simbolo ng pagpapalipad ng puting kalapati ay ang pagpapahiwatig na tayo ay malaya mula sa anumang anyo ng pananakop o pagkaalipin. Ito ay isang pag-alala sa ating mga bayani na nagsakripisyo para sa ating kalayaan.

Sa bawat pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nararamdaman natin ang pagsibol ng pag-asa at pagkakaisa.

Ang ating kalayaan ay nagbibigay-daan sa atin upang harapin ang mga hamon ng buhay at magtulung-tulong sa pagpapaunlad ng ating bayan.

Sa ngayon at sa mga darating na taon, patuloy nating ipagbunyi ang Araw ng Kalayaan tungo sa bagong lipunan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles