Wednesday, May 14, 2025

123rd Police Service Anniversary: Pagdiriwang ng Makasaysayang Serbisyo at Paglilingkod sa Bayan

Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas o Philippine National Police (PNP) ay may higit isang siglo at dalawang dekadang makabuluhang kasaysayan ng paglilingkod sa bayan, mula sa kanyang mga naunang anyo hanggang sa kasalukuyang estado nito. Sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng serbisyo ng pulisya ngayong taon, binibigyang diin ng tema nito ang mithiin ng pulisya na patuloy na masiguro ang kaligtasan ng madla bunga ng serbisyo-publiko sa ilalim ng programa ng kasalukuyang administrasyon: ang Bagong Pilipinas.

Ang PNP ay nagsimula sa pagkakatatag ng Philippine Constabulary noong Agosto 18, 1901. Ang organisasyong ito ay nilikha alinsunod sa Organic Act 175 upang masiguro ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa buong kapuluan. Noong Agosto 8, 1975, pinalitan ang pangalan nito sa Philippine Constabulary-Integrated National Police (PC/INP) sa bisa ng Presidential Decree No. 765. Ang PC/INP ay binuo ng mga magkakahiwalay at iba’t ibang lokal na yunit ng pulisya na pinag isa bilang isang national police force, kung saan ang Philippine Constabulary ang naging sentro nito.

Kalaunan, ang PC/INP ay naging Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 6975 na pinamagatang “An Act Establishing the Philippine National Police under a Reorganized Department of the Interior and Local Government (DILG)”. Ito ay isinailalim sa administratibo at operasyonal na pamamahala ng National Police Commission, kasabay ng pagiging “national in scope and civilian in character”.

Sa layuning maihatid ang pinakamahusay na serbisyo publiko, pinabuti at pinatatag ang PNP sa pamamagitan ng Republic Act No. 8551, na kilala bilang “PNP Reform and the Reorganization Act of 1998.” Ang batas na ito ay nag-amyenda ng ilang probisyon mula sa umiiral na Republic Act No. 6975 upang lalong mapahusay ang operasyon at serbisyo ng PNP.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng mga pambansang tagapamayapa ang kanilang ika-123 Anibersaryo na may temang “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis Ligtas ka!” na nagbubuod naman sa layunin nilang maglingkod sa komunidad na may katapatan at walang kinikilingan. Gabay ang kanilang pilosopiya na – Service, Honor and Justice, layunin ng PNP na magbigay ng mataas na kalidad ng serbisyo publiko habang pinanghahawakan ang dangal at katarungan upang maging mas epektibo at mahusay na mga lingkod-bayan.

Sa paggunita ng PNP sa kanilang makulay na kasaysayan at pagtanaw sa hinaharap, patuloy silang maglilingkod ng buong puso at dedikasyon para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipino dahil sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles