Benguet – Tinatayang Php120,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinira sa isinagawang marijuana eradication ng mga otoridad sa Sitio Liyang-Libagen, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-13 ng Oktubre 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa mga operatiba ng Bakun PNP, Benguet-Drug Enforcement at Intelligence Unit.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre at pagwasak ng isang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 120 square meters at may kabuuang tanim na 600 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang Php120,000
Standard Drug Price.
Lahat ng nadiskubreng halaman ng marijuana ay agad na binunot at sinunog ng mga operatiba sa mismong lugar.
Bagama’t walang nahuling cultivator ay sinisiguro ni PCol Olsim na magsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga nagtatanim ng ipinagbabawal na halaman at hinikayat rin ang publiko na makiisa at magbigay ng impormasyon hinggil sa ipinagbabawal na marijuana upang mapadali ang pagpuksa sa ilegal na pagtatanim at pagtransport ng marijuana sa buong lalawigan.