Isulan, Sultan Kudarat – Nakiisa ang 120 kapatid na Muslim sa isinagawang Community Outreach Program ng PNP sa Sultan Pax Islamic Institute sa New Relocation, Barangay Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat, noong Huwebes, Abril 14, 2022.
Ayon kay PLtCol Hoover Antonio, Force Commander ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, matagumpay na nailunsad ang programa sa tulong nila PLt Meldred Docil, Admin/Operation Officer; PLt Ferdinand Dela Cruz, Team Leader ng Sultan Kudarat Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit; PLt Gladys Banzuelo, Deputy CAD ng Sultan Kudarat Provincial Community Affairs and Development at mga bumubuo ng 1st SKPMFC.
Ang gawaing ito ay bahagi ng Project SUKRAN na itinataguyod ng PNP tuwing RAMADAN, kung saan ay maiinit at masusustansyang pagkain ang kanilang inihahandog tuwing oras ng pagkain.
Layunin nito na ipakita ang pakikiisa ng hanay ng kapulisan sa pagdiriwang ng banal na buwan na isa sa pinakamahalagang selebrasyon para sa mga kapatid nating Muslim.
Sa nabanggit na programa, ang Advisory Council ng 1st SKPMFC sa pangunguna ni Gng. Michelle Roanne Tobias Alberto, Chairwoman ng Provincial Mobile Force Company Advisory Group for Police Transformation and Development ay nagpaabot ng kanilang suporta upang matagumpay na maipaabot ang programa sa napiling komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin