Malimono, Surigao del Norte – Kalaboso ang labing-dalawang indibidwal sa paglabag sa gun ban sa magkahiwalay na operasyon sa Malimono, Surigao del Norte nito lamang araw ng eleksyon, Mayo 9, 2020.
Kinilala ni Police Colonel Renato Mercado, Provincial Director ng Surigao del Norte Police Provincial Office, ang mga naaresto na sina Bryan Sala, Kieth Non, Michael Angelo Andres, Falcon Sinaca, Lino Obre, Ernesto Balopeños, Julius Cabonce at Ricky Banlas.
Ayon kay PCol Mercado, naaresto ang walong suspek sa tulong ng isang concerned citizen na agad inaksyunan ng mga tauhan ng Malimono Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion-13, 1st Surigao del Norte Mobile Force Company at 30th Infantry Battalion ng Philippine Army na nauwi sa pagkarekober ng tatlong rifle, apat na pistol at mga bala.
Samantala, kinilala rin ni PCol Mercado ang apat pang naaresto sa isinagawang COMELEC Checkpoint sa Highway ng Brgy. Pili, Malimono, Surigao del Norte na sina Abdulla Malic Salahain, Edgar Diaz, Avenir Lim at Junypeth Sumili na nagresulta sa pagkarekober ng dalawang pistol, mga bala at tatlong cellular phone.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to COMELEC Gun Ban.
Ang pagkadakip sa mga suspek ay resulta ng pagpupursigi ng PNP na bigyan ng patas at mapayapang halalan ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13