Davao City – Arestado ang labing-isang kalalakihan sa isinagawang Anti-Gambling operation ng Sta. Ana PNP noong Biyernes, Abril 15, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sta. Ana Police Station 1 ang mga suspek na sina Remark Gonzales, 50; Michael Espijon, 34; Jacon Mangga, 30; Joel Renoy, 40; Christian Arado, 18; Rodel Alayon, 50; Aries Sugabin, 42; Benjamin Balaga, 54; Alfredo Bestoque, 55; Romeo Paradero, 53; Jimmy Paradero, 48; na pawang mga residente ng Isla Noah Brgy. Lapu-Lapu, Davao City.
Ayon kay PMaj Goles, ang mga suspek ay nahuli sa akto na nagsasagawa ng ilegal na sabong ng manok sa Brgy. Lapu-Lapu, Agdao, Davao City ng mga tauhan ng Sta. Ana PS 1.
Dagdag pa ni PMaj Goles, ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon para sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Cock Fighting).
Pinapaalalahanan naman ng Police Regional Office 11, sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director, ang mga mamamayan na iwasan ang anumang ilegal na gawain katulad ng pagsusugal dahil hindi sila magsasawang hulihin ang lahat ng lalabag sa nasabing batas.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara