Matagumpay na naisagawa ang Community Outreach Program at paggawad ng Kwarto ni Neneng sa Barangay Rang-ayan, Aglipay, Quirino nito lamang Miyerkules, ika-28 ng Pebrero 2024.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ramon M Macarubbo, hepe ng Provincial Community Affairs and Development Unit, Quirino Police Provincial Office kasama si Police Major Mariano Marayag, hepe ng Complaints Referral and Monitoring Center, Regional Community Affairs and Development Division, Police Major Rodel C Cervacio, hepe ng Aglipay Municipal Police Station, Local Government Unit ng Aglipay, Highway Patrol Group, K-9 Unit, miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at mga opisyales ng Barangay Rang-ayan.

Itinampok sa nasabing aktibidad ang paghandog ng proyektong Kwarto ni Neneng sa maswerteng benepisyaryo na si Ms. Novelene Gorospe, pagsagawa ng feeding program, pamimigay ng libreng bitamina, libreng gupit ng Barbero ng Bayan si Mamang at Manang Pulis (BBM Pulis), libreng tuli o Project Batman at nagbahagi din si Police Captain Narciso P Años, Team Leader ng Quirino Highway Patrol Team ng kanyang kaalaman patungkol sa Road Safety.

Ang inisyatibong ito ng kapulisan ay bilang pagsuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr na Bayanihan Spirit na naglalayong mapagtibay ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan partikular sa paghahatid ng mga serbisyo sa komunidad upang patuloy na tumatag ang pundasyon ng maayos at maunlad na pamayanan para sa nagkakaisang Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Quirino PPO
Panulat ni Pat Donnabele R Galang