Habang nagsasagawa ng preventive patrol sa Barangay Pilipil, Cervantes, ang mga tauhan ng 102nd Maneuver Company, RMFB1 sa ilalim ng pamumuno ni Oliver L. Gaspar (ACC), ay agad na rumesponde upang tulungan ang mga residente na nagbubuhat ng isang lalaking may sakit na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Dahil sa hirap maabot ng lugar, hindi makapasok ang ambulansya sa tahanan ng pasyente kaya napilitan ang mga residente na buhatin ito nang mano-mano.
Walang pag-aalinlangan, tumulong ang mga rumespondeng pulis sa pagbubuhat ng pasyente at ligtas itong inihatid patawid ng tulay patungo sa lugar na maaabot ng mga medical responder, upang agad itong mabigyan ng kaukulang lunas.
Ang gawaing ito ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa maagap, makatao, at malasakit na serbisyo publiko.



