Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng 102nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 sa pamumuno ni PCpt Oliver L. Gaspar, Acting Company Commander, sa isinagawang Bloodletting Activity sa Quirino Municipal Plaza, Poblacion, Quirino, Ilocos Sur noong Marso 6, 2026.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Quirino Rural Health Unit katuwang ang Philippine Red Cross at ang Local Government Unit ng Quirino, Ilocos Sur.

Sa pamamagitan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo, nagbigay-suporta ang mga tauhan sa mahalagang inisyatibo na naglalayong palakasin ang suplay ng dugo para sa mga pasyente at mga medical emergency sa komunidad.
Ipinapakita ng aktibidad na ito ang patuloy na pangako ng Philippine National Police hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati sa pagsusulong ng kalusugan, pagkakaisa, at serbisyong makatao para sa mamamayan.

“Ang isang bag ng dugo ay maaaring makapagliligtas ng buhay — at sa ating pagtutulungan, nagbibigay tayo ng pag-asa.”
Source: 102nd Maneuver Company RMFB1



