Pikit, North Cotabato – Nagsagawa ng relief operation ang mga tauhan ng 1203rd Maneuver Company, RMFB 12 sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha sa Paidu Pulangi, Pikit, North Cotabato noong Linggo, ika-31 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 1203rd Maneuver Company RMFB 12 sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Jaron Rumulus Cabahug OIC, Company Commander.
Katuwang din sa nasabing relief operation ang Pikit LGU, 90IB Philippine Army, DSWD, MDRMMO at Office of Municipal Engineering.
Tinatayang nasa 1,000 na pamilya ang nabigyan ng relief goods at food packs.
Ang bayan ng Pikit North Cotabato ay isa sa naapektuhan ng pagbaha dulot ng Low Pressure Area.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya at iba pang sangay ng pamahalaan ay palaging maaasahan at nakahandang maghatid ng serbisyo para sa mabilis at maayos na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
Source: Regional Mobile Force Battalion PRO12
###
Panulat ni Patrolwoman Vanessa Gomez