Cebu – Umabot sa 100 residente ng Bayan ng Tuburan ang naging benepisyaryo ng inilunsad na programang, “Project PINAGHIUSA”, Pakighugpong sa Tanang Nagpakabanang Alyadong Grupo Himoon tang Inspirasyon sa Pag-uswag sa Serbisyo sa Atong Nasud ng Police Regional Office 7 na ginanap sa Tuburan Covered Court, Barangay Poblacion, Tuburan, Cebu, Biyernes, Agosto 25, 2023.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams, Anti-Illegal Drug Advocates, Tuburan Youth, at KKDAT leaders.
Sa pangunguna ni PCol Emelie D Santos, Chief Regional Community Affairs and Development Division 7, katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaan, miyembro ng National Support Units, at ng pamunuan ng bayan, tagumpay na naihatid ang mga serbisyong handog ng grupo.
Kabilang na rito ang libre na medical and legal consultation, gupit, pagproseso ng National ID at Police Clearance, pagkuha at pagrenew ng License to Own and Possess Firearm (LTOPF), at ang pamamahagi ng relief goods, hygiene kits, bitamina, tsinelas at school supplies.
Bilang bahagi ng programa, ilang mga eksperto ang naanyayahan at nagturo ng mga usapin patungkol sa Financial Literacy, Drug Awareness, Crime Prevention, Insurgency Awareness, at PNP/PNPA Recruitment.
Nagpapasalamat naman ang buong PRO 7 sa pamumuno ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director, sa walang humpay na suporta ng mga stakeholders at iba pang law enforcement agency tungo sa pagsusulong sa mas matatag na ugnayan sa komunidad.