Davao del Sur – Naitayo ang sampung solar streetlights sa tulong at inisiyatibo ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Goma sa Digos City, Davao del Sur, nitong Lunes, Marso 28, 2022.
Ito ay matagumpay na naitayo sa pangunguna ni PCMS Melvin Fabroa, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Florante Retes, 1st DSPMFC Officer-In-Charge, kasama ang mga residente ng Brgy. Goma.
Ito ay nabigyan ng pondo matapos magsumite ng Barangay Resolution ang R-PSB Goma sa Office of Provincial Government kung saan taong 2021 ay inaprubahan ito na nagbigay daan upang maisakatuparan ang proyektong pailaw.
Ang mga nasabing solar streetlights ay magbibigay liwanag sa madidilim na bahagi ng mga daanan sa Brgy. Goma at ito ay isa lamang sa Quick Impact Projects (QIPs) ng R-PSB Goma para sa kapakanan at kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Malaki ang pasasalamat ng mga residente sa R-PSB sapagkat sila ay magiging panatag na dahil sa liwanag na dala ng 10 solar lights sa kanilang barangay.
###
Panulat ni Police Corporal Mary Metche A Moraera
Goodjob pnp
May puso at malasakit talaga ang mga pulis
[…] 10 solar streetlights naitayo sa tulong ng kapulisan sa Davao del Sur […]