General Emilio Aguinaldo, Cavite (February 19, 2022) – Naaresto ang isang lalaki sa isinagawang Search Warrant Operation ng mga kapulisan ng Aguinaldo Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Kaymisas, General Emilio Aguinaldo, Cavite noong Pebrero 19, 2022.
Ang operasyon ay pinamumunuan ni Police Lieutenant Rizal Elit Espiritu, Acting Chief of Police ng Aguinaldo MPS.
Kinilala ang suspek na si Johnson Beratio Jr. y Hernandez, 39 anyos, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Search Warrant No. TG-22 na inihain ni Hon. Raquel V. Aspiras-Sanchez, Presiding Judge, RTC, Branch 3-Family Court, Tagaytay City, Cavite noong Pebrero 11, 2022.
Nakumpiska sa suspek ang isang (1) unit 12-gauge shotgun, 19 rounds live ammunition para sa 12-gauge shotgun, pitong (7) rounds live ammunition para sa cal. 45, isang (1) bullet holster para sa shotgun at isang (1) back pack bag.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Office of the Provincial Prosecutor ang suspek matapos maiulat na nagtatago ito ng mga hindi lisensyadong baril.
Samantala, pinuri naman ni Police Colonel Arnold Abad, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office (PPO) ang mga kapulisan dahil sa matagumpay na execution ng Search Warrant na nauwi sa pagkaaresto ng suspek at pagkakumpiska sa mga ebidensya.
Samantala, lalong paigtingin ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa mga nagdadala ng hindi lisensyadong baril lalo na’t nalalapit na ang halalan 2022.
###
Panulat ni PEMS Elvis Arellano