Cagayan de Oro City – Arestado ang 122 na indibidwal matapos masangkot sa magkakaibang kaso sa isinagawang 24-hour regionwide Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Police Regional Office 10 nito lamang Enero 31, 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, 17 ang naihain na Search Warrants, siyam ang naaresto dahil sa ilegal na droga na nagresulta ng pagkumpiska ng mahigit kumulang 54 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php370,600.
Kabilang dito ang pitong naaresto sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at dalawa dito ay naaresto sa kasong paglabag sa RA 9516 o Unlawful Possession of Explosives.
Matagumpay din ang ikinasang 18 buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng 25 drug suspek ang nasakote at nasabat ang mahigit kumulang 93 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php633,828.
Habang siyam ang kabilang sa Most Wanted Persons at 63 dito ang kabilang naman sa Other Wanted Persons.
“I am happy because we consistently do a good job as law enforcers and effectively apprehend these criminals who have existing Warrant of Arrest, Search Warrants, and those who used illegal drugs. I am even more appreciative of the community’s constant support towards our efforts in terms of public safety and security is concern,” pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10