Malabon City – Naglunsad ang Malabon PNP ng 1-Day Patrollers Seminar na naganap nitong Miyerkules, Oktubre 5, 2022 sa Multi-Purpose Hall, Brgy. Longos, Malabon City.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Colonel Albert Barot, Chief of Police ng Malabon City Police Station at dinaluhan ng mga Police Commissioned Officers at Police Non Commissioned Officers na nakatalaga sa Malabon.
Ayon kay PCol Barot, isa sa mga tinalakay ng naturang seminar ang History of Patrol na ibinahagi ni Police Major Romulo Mabborang, Acting Chief of Police for Operations; First Responder na tinalakay ni Police Lieutenant Cristine Neri at PNP Grievance Machinery na ibinahagi naman ni Police Corporal Anthony Briones.
Ang pagpapalawak ng kaalaman ng bawat miyembro ng Malabon PNP ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan+ Kapayapaan= Kaunlaran at KASIMBAYANAN.
Samantala, hinikayat ni PCol Barot na nararapat lamang na mapalawak at sumailalim sa mga seminar ang mga tauhan ng Malabon PNP para sa maayos na pagganap ng kanilang sinumpaang tungkulin tungo sa mas maunlad na komunidad.
Source: Malabon City Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz