Ang tradisyunal na pagdiriwang ng Yuletide Holiday Season ay nagtapos na mapayapa na walang anumang malalaking insidente na naitala, batay sa ulat ng Philippine National Police.
Ang pagtatala ay ginawa at pinangunahan ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos sa mga oras bago magpalit ng taon, kung saan pinagsama-sama ng PNP Command Center sa Camp Crame ang mga field reports mula sa Police Regional Offices sa buong bansa.
“Overall, the situation remains generally peaceful throughout the country with no major untoward incidents that marred the traditional festive Christmas and New Year revelry,” saad ni PGen Carlos.
Gayunman, iniimbestigahan ng pulisya ang apat na umano’y insidente ng ligaw na bala sa Ilocos Region, CALABARZON, Northern Mindanao, at Cordillera noong bisperas ng Bagong Taon.
Tiniyak ni PNP Chief sa mga lokal na PNP unit sa ibaba na maghahatid ng forensic at technical support mula sa National Support Units para tumulong sa imbestigasyon.
Sa kabila ng mga insidenteng ito, malaki ang pagbaba sa bilang ng mga insidente ng ligaw na bala noong Bagong Taon 2022 kumpara sa mga nakaraang taon.
Inihahanda na din ang karampatang kaso laban sa mga naarestong gun holders na sangkot sa 17 insidente ng illegal discharge of firearms.
Pinuri rin ni PGen Carlos ang mga lokal na yunit ng PNP na suportado ng LGU force multipliers para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga local Executive Orders sa pagbabawal ng mga paputok na nagresulta sa pagbaba ng firecracker-related injuries ngayong taon.
Sa suporta ng 80,188 force multipliers, nagdeploy ang PNP ng 32,179 police personnel para sa pagpapatupad ng batas at public safety operations sa Holiday Season.
Tunay nga na kapag nagtulungan ang kapulisan at komunidad at iba pang kaagapay gaya ng force multipliers ay makakamtan natin ang payapa at ligtas na pagdiriwang at pagsalubong sa taong 2022.
#####
Panulat ni: Police Corporal Kathleen D Maraño
Salute PNP
Galing at Husay Salamat Team PNP