Nakumpiska ang tinatayang Php7.1M halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang High Value Target sa isinagawang buy-bust operation ng PNP sa Purok 5, Barangay Libaong, Panglao, Bohol, noong ika-27 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Captain John Khalev D Sanchez, Acting Chief of Police ng Panglao Police Station, ang naarestong suspek na si “Jopri”, 41 at residente ng Barangay Sagnap, Loay, Bohol na umano’y nasa High Value Individual watch list ng mga awtoridad.
Nasamsam sa operasyon ang 11 large pack transparent plastic bag na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 1,050 gramo na may Standard Drug Price na Php7,140,000, isang Oppo F7 na cellphone, Styrofoam box, isang blue back pack at buy-bust money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Ang Bohol PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad. Ito ay alinsunod sa mga programa ng ating pamahalaan na naglalayong mabawasan ang demand sa ilegal na droga at magkaroon ng rehabilitasyon sa mga komunidad.
Source: Panglao SR
Panulat ni Pat Grace P Coligado