Namahagi ng libreng bigas ang mga tauhan ng City Mobile Force Company ng Cebu City Police Office sa ilang residente sa bukiring mga Barangay ng Cebu City, noong ika-25 ng Pebrero 2024.

Sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joy G Leanza, CMFC Force Commander, naipamahagi ng mga miyembro ng kapulisan ang tig-sampung kilo ng bigas sa 50 na pamilya.

Ang pagod at layo ng biyahe ay hindi alintana ng ating mga kapulisan dahil malugod na tinanggap ng mga residente ang handog na bigas at sila’y nagpapasalamat dahil ito’y isang napakalaking tulong sa kanila.

Ang naturang aktibidad ay parte ng programa ng mga kapulisan ng CMFC na “Project Giving” na kaugnay din sa Bagong Pilipinas sa Barangay Community Engagement.
Layunin ng aktibidad na ito na maipaabot ang tulong para sa mga mamamayan na lubos na nangangailangan at mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad alinsunod sa programa ng pamahalaan para sa nagkakaisang Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Grace P Coligado